Sunday, May 24, 2009

Listahan ng dapat ipagpasalamat…



December 23, 2008

Its christmas na at madami na akong natanggap na regalo…
mahirap ang naging buhay ko ngaung taon pero:

Masaya ako kasi natuto ako na lumaban at tumayo kung ano ang tama…

Masaya ako kasi nakapasok ako sa public school kahit isang buwan lang at umani ng mga natatanging karanasan…

Masaya ako kasi na experience ko magresign, jobless ng isang buwan at makita ang halaga ng trabaho…

Masaya ako kasi naranasan ko ang mag apply sa iba’t-ibang kumpanya at trabaho…

Masaya ako na maranasan na mag apply at ma-interview sa mga trabahong sa call center agent, editorial assistant, training assistant, admin assistant at kung anu-anu pa….

Masaya ako na sa huli ay ibinalik din ako sa pagtuturo kung saan ako nararapat…

Masaya ako na makapagtrabaho sa isang kilalang pamantasan na lalong humahasa sa aking kakayahan at talino bilang guro…

Masaya ako na mabait ang aking mga kasama sa trabaho…

Masaya ako na madaming kaibigan ang palagi sa aking tabi…

Masaya ako na ang aming punong guro ay di kami iniiwan anuman ang problemang dumating…

Masaya ako kasi nakarecover agad si tatay from stroke…

Masaya ako kahit under medication pa si ate e ok na ung mga lab test niya…

Masaya ako na lahat kaming magkakapatid ay maayos ang trabaho…

Masaya ako na matalino ang 2 kong pamangkin…

Masaya ako na nabawasan ako ng timbang ngaung taon heheheh…

Masaya ako na kahit TAMBLING ang love life napakasaya naman ng Career at Family ko… at lagi ko yun ipagpapasalamat…

No comments: